Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera intay nala ng ng sweldo.
Ako rin ay isang middle class pinoy , isang freelance artist at may asawa at dalawang anak. Trabaho pag meron, hindi 9-5. Minsan 9am-9am. Hindi ako umiinom. Umuuwi na lang ako sa pamilya ko kasi sabik ako makita sila. Nuod TV, check ng e-mail. Paminsan-minsan nakakapaglibang ako at naglalaro ako ng ultimate Frisbee o kaya ng softball. Super middle-class pero feeling ko talaga, lower-middle.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, marami talagang APATHETIC and I feel it's pathetic. Nakakalungkot! Ke mayaman, middle-class at oo, kahit mga mahihirap. Pero sa totoo lang, hindi ang middle class ang nagpapaikot sa bansa natin kundi ang mga bagong bayani na patuloy na nagpapadala ng remittance dito sa Pilipinas. Kung wala sila ay matagal na tayong patay!
Kaya eto naman ang liham ko para sa lahat ng HINDI maiingay na sector na sana magising ang inyong bulag na pag-iisip. Actually, hindi kayo bulag. Alam niyo lahat ang katiwalian na nangyayari sa atin pero nagpasya kayo na manahimik na lamang. SAD!!
Sa Mga Politiko:
- diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.
Agree ako sa iyo dito, kapatid. Pero hindi ba nakakainis na alam ng buong bansa ang ginagawa nila pero parang tinanggap na nila na ganun talaga ang buhay? Buwis natin yung kinukurakot nila. Buwis na binabayad NATIN para bumuti ang kalagayan ng ATING bansa. Kaso ginamit na ni GMA para manalo siya.
Sa Administrasyon:
- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
Hindi ako agree sa iyo dito, brother or sister. Hindi ko sila pinatawad sa ginawa nilang pandaraya kaya umaatend pa rin ako ng mga "gatherings" to resolve this CRIME. Hindi tayo mabibigyan ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno dahil nga ang pinagkakaabalahan nila ay kung paano mananatili sa posisyon. Her only chance to prove her detractors wrong was the impeachment process. Kung pinabayaan na lang ni GMA na manaig ang RULE OF LAW, dapat natuloy na ang impeachment process. Ang nangyari noon ay hindi rule of law, kundi rule of NUMBERS. Madali mong makukuha ang votes to turn down the impeachment if you have access to the country's coffers. That was her only chance to prove her critics wrong, pero anong ginawa niya? Lahat ng ginagawa nila ngayon from the Calibrated preemptive response to EO 464 to Proclamation 1017 ay ginawa para hindi malaman ng mga mamayan ang katotohanan. Can you believe hindi nila pinapayagang maghayag ang media ng kahit na anong statement from those opposed to her pero sila pwedeng magsabi ng kung anu-anong kasinungalingan tungkol sa mga kumkalaban sa kanila? Marcos na Marcos!! Nandun ka nung EDSA 1 di ba? Hindi ka ba nalulungkot na sa 20th anibersaryo ng EDSA 1, hindi nila pinayagang mag-celebrate ang mga tao ng pagpapatalsik ng diktador at pagwawakas ng martial law? At nag-declare pa siya ng de facto martial law on the same day?!! Paano na lang kung twenty years from now, sasabihin sa iyo ng anak mo na hindi naman totoo yung EDSA revolution mo o wala naman siyang significance sa buhay ng mga Pilipino?
Mabalik ako sa pandaraya ni GMA. So naniniwala kang nandaya siya pero hindi ka nagalit at pinabayaan mo siya? Ninakawan ka at wala kang ginawa? Kung pinasok ang bahay mo at ninakaw lahat ng pinakamahalagang bagay sa buhay mo, pababayaan mo rin ba? Kung dinaya ang anak mo sa spelling bee, sasabihin mo ba sa kanya to just "move on"? Tuturuan mo ba ang anak mo na okay lang mangdaya sa exam huwag lang siyang papahuli o kung nahuli man siya, sasabihin mo bang okay lang kasi sigurado naming pasado siya? Sana hindi. VALUES. Iyan ang dapat ituro sa mga bata. Naalala mo ba ang commercial na, "ANG GINAGAWA NG MATANDA, NAGIGING TAMA SA BATA."
Naalala ko nung una akong bumoto. I felt soooooooooooo great to finally have a chance to exercise my right and to have a hand in charting this nations future. I finally undertstood why in 1986, people defended the ballot boxes WITH THEIR LIVES!! They wanted to make sure their vote got counted. At ngayon nagagalit ako kasi baka yung boto ko hindi nabilang. Ang pakiramdam ko binastos ako, sinampal, tinapakan at saka dinuraan!!! AT ngayon ok na yung mandaya basta huwag mangmang at artista ang manalo??
For the record hindi ko binoto si FPJ. Kay Roco ako all the way!! Pero kung si FPJ talaga ang nanalo, eh anong magagawa ko. Ganun ang demokrasya sa pagkakaintindi ko. Eh kung ayaw niyo nun, huwag na tayong mag-eleksyon!
Sa Oposisyon:
- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
Kaibigan, hindi ko alam kung saan mo nahugot ito, sa totoo lang. HUwag mo namang laitin ang mga mahihirap. Kapit sa patalim na nga sila eh. Kung ikaw wala ring pera, you will do anything to put food in your mouth. Anyway, yung mga kapus-palad nating kababayan pumupunta rin yan sa mga pro-Gloria rallies kasi pinapakain sila. Pero mga reporter na naka-shabu at naghahallucinate??? Bow ako dito, di ko alam kung paano ko sasagutin ito. Sana lang pagnag-hallucinate si Pinky Webb ako ang mahita niya!! hehe
- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos. Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.
Sa tanong kung sino ipapalit kay Gloria? Eh bakit naman kasi sa oposisyon ka lang tumitingin ng papalit? Sila lang ba ang option. Sobra ka na bang na-brainwash ni GMA at naniwala ka sa kaniyang walang makakapalit sa kanya. Kawawa naman tayo. 85 million people and only one person can run the country?? Paano pagdating ng 2010, yun din ba ang sasabihin niyo sa akin, kung sino ang papalit kay GMA? Paano paghindi siya bumaba parang ginawa ni Marcos nung 1972? Please naman sabihin mo sa akin na merong kahit kalahating milyong Pilipino na malinis ang puso at budhi that can lead this country to greatness.
- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
Pare/Mare, Makisalamuha ka muna sa mga mahihirap para malaman mo at maintindihan kung saan nanggaggaling. Tulad ng nasabi ko, walang-wala talaga sila. Totoo hindi sila productive kasi walang trabaho. Hindi nila ginusto ito. Kaso ang administration na ito, mas concerned with sending at least 1 million Filipinos abroad to work(target ng DOLE). Exposing them to abuses and threats against their lives, destroying families, destroying lives!! Bakit hindi magtrabaho si GMA para maging ideal ang conditions dito para makapag-negosyo yung mga katulad nating middle-class and create 1 million jobs here.
Sa totoo lang ang sakit ng mga salita mo tungkol sa mga mahihirap. Tanong ko sa iyo, kung mahihirap ang katabi mo nung People Power 1, yayakapin mo ba sila at hahalikan?
- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.
Don't give yourself too much credit na tayo lang ang makakapagtagumpay ng People Power. Tatlong araw lang nga kinaya mo eh. Hindi ka pa nagdanak ng dugo. Pero yung mga mahihirap na nilalait mo, mahigit na sampung taon nilabanan ang diktadurang Marcos habang nagpapahinga tayo sa bahay. A lot of them gave up their lives for us! Yes, US! You and me!! Tapos inecha-pwera pa sila pag alis ni Makoy!
Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.
Tanong ko lang uli, diba sabi mo nasa EDSA 1 ka? Diba yung mga military na ma-reklamo mo ang prinotektahan mo? Nung EDSA Dos ba pinalakpakan mo rin sila Angie Reyes nung pumunta sila sa Shrine? Bakit ngayon iba na ang tono mo?
But you're right. They are professionals, at least some of them are. That's why when the military is being used by certain politicians to steal votes for them, the real professionals in their ranks nagagalit because lahat sila masisira sa katiwalian ng iilan in their ranks. Sino ba unang nagpolitika sa military, kundi yung mga presidente. Sila ang una nilang nililigawan with perks and promotions to insure their loyalty.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila email.
Eto ka na naman. Eh kanina ka pa comment ng comment sa mga mahihirap eh na kahit akong middle-class ay nasasaktan. Sana nga may e-mail sila ng masagot nila ang sulat mo. Tignan natin kung di ka makatikim.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!
Paano na tayong middle-class? Please huwag mo akong isama sa inyo kasi kung lahat ng middle-class ay katulad mong mag-isip habang buhay tayong aabusuhin ng mga politico. Dahil pinalagpas ninyo ang mga katarantaduhan na ginagawa nila ngayon, you just gave them a green light to do whatever they want with us. Yung mga middle class na katulad mo, LOW CLASS!! But I respect your right to express your ideas kaso yung ideas mo won't land you in jail. Mine might or will, if I'm lucky. What do you think Secretary siRAULo Gonzalez?
Signed,
Isang ring Middle-Class pinoy
P.S.
Ang pangalan ko NOR DOMINGO at hindi tayo pareho.
P.S. Ulit
Ang dami mong fans, pero naniniwala akong marami ring tulad ko na ikakalat ang sulat kong ito. And I will see them in the streets too!
1 comment:
saan ba dapat sumagot jan. pede na ba dito? For WHOEVER's sake naman your middle class men, why not ask us below that line? why not ask us about why do things unresponsively or why do we hold on to thin strings? wtf.
i was a student in a university na mejo vulgar ang mga rallyista. halos every week meron. and they were waiting on the main gate to convince us (including others na ayaw)na sumama sa kanila. though gustong gusto ko na sumali but, that isn't my only concern in life.
*if i join in- i would be one of the black listed students at ma kick out pa ako, hay nako, good for those who can afford to transfer to any other schools (with choking tuition) as easy as eating camote (kahit nga kamote heirap kaming kumain kasi wala). and the least is maabsent ako sa class and miss things out, ayon baka d na maka pasok sa listahan ng scholars. how can i improve my status if i remain without a degree.
*one request nila was to wear black shirt as an expression of our mourning sa pinag gagawa ng admin. golly, wala ako black shirt. gustong gusto kung maki mourn kaso kahit pang ulam sa tanghalian wala ako. nag tatago nga me kumain sa warto sa boarding house kasi asin ang ulam.
if you think i am out of my mind--- hahahahahah. baka ikaw ang mejo crack ang skull. or baka pinasukan na rin ng hangin utak ko dahil sa walang kain. pero 1 point wanna make clear bro-- we have different status with different concerns. now, if you are a middle class, which i regard as someone with higher capability than me, why not do things yourself. if you REALLY ARE CONCERN. IF YOU REALLY ARE FED UP with the present administration and if you really are serious with your wailing then why not GO AND KILL ARROYO YOURSELF!!!! if you succeed then you save everyone from her.
Post a Comment