Monday, April 30, 2007

Wag iboto si Migz Zubiri, kaaway siya ng mga katutubo

Who is Congressman Migz Zubiri to the IPs?

NO TO MIGZ ZUBIRI FOR SENATOR: VIOLATOR OF IP'S FPIC RIGHTS

Ang mga Katutubong Mamamayan o Indigenous Peoples isa sa mga marginalized sector at hindi masyadong nabigyan-pansin nga ating pamahalaan ng Pilipinas. Ayon sa 1995 National Commission on Indigenous Peoples o NCIP Census, mayroong humigit kumulang 110 ethnolinguistic groups o tribu sa boong bansa na kung saan umaabot sa 12.8 milyon ang kanilang kabuung populasyon. Sila ang sector ng ating lipunan na madalas biktima ng development aggression sa loob ng kanilang mga Lupang Ninuno gaya ng MINING, LOGGING, COMMERCIAL PLANTATIONS, BIOPROSPECTING AT BIO-PIRACY sa usaping Intellectual Property Rights (IPR), Reservations, PROTECTED AREAS at marami pang iba. Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral sa mataas na antas kumpara sa ibang sector ng Lipunan, naaabusu din sila sa pamamagitan ng paggamit nga kanilang kultura sa pamamagitan ng ng mga programang Pangturismo ng Pamahalaan. Ang kanilang mga tradisyon, sining at makulay na kultura ay madalas na ginagamit at kinuko-commercialized sa pamamagitan ng mga Festivals at kung ano-anong mga celebrasyon. Ang kanilang pagka-inosenti o kakulangan ng kaalaman sa takbo makabagong panahon o modernisasyon ay madalas ring ginagamit at inaabusu ng mga malalaking Politiko lalo na sa panahon ng eleksiyon.

Ayon sa Art. XIV, Sec. 17 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, nakasaad doon na "the State shall recognize, respect and protect the rights of the indigenous cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and institutions. It shall consider these rights in the formulation of NATIONAL PLANS AND POLICIES".

Ang probisyong ito ng ating Konstitusyon ay pinagtibay at ipinatupad sa pamamagitan ng Republic Act 8371 o ang tinatawag na Indigenous Peoples Rights Act of 1997 o ang Batas na IPRA.

Ang Batas na IPRA (R.A.8371), sa pamamagitan ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP ay gumawa ng mga GUIDELINES kung paano mapoprotektahan ang karapatan ng mga katutubong mamamayan, isa na dito ang karapatan na "Free, Prior and Informed Consent o FPIC" na makukuha hindi sa pamamagitan ng ordinaryong mga konsultasyon o maging plebisito man.

Ang FPIC ayon sa batas na IPRA ay isa sa pinakamahalagang karapatan ng mga katutubo dahil ito ay binansagang "THE INDIGENOUS PEOPLES' TOOL FOR EMPOWERMENT IN ANCESTRAL DOMAIN GOVERNANCE". Nakasaad sa batas na IPRA na walang sino man o ano mang ahensiya ng Gobyerno o Pribadong indibdiwal o grupo ang pwedeng magpatupad ng kahit anong gawain, programa, prohekto o polisiya sa loob ng katutubong teritoryo (ancestral domain territories) kung walang consensus na pagpayag ng lahat ng mga katutubong mamamayan.

Sa isyung ito, laking gulat ng mga kumakatawan ng "constitutionally at culturally aware" na mga Lider ng Katutubong Tribu sa Bukidnon noong marinig at makita sa balita na kinumpirma ni Congressman Juan Miguel Zubiri ang kanyang pagtakbo sa Senado. Siya pa nga ang pinaka-unang nag-file ng COC sa COMELEC.

Si Congressman Migz Zubiri may malaking nilabag na karapatan ng mga Katutubo sa Probinsiya ng Bukidnon sa pamamagitan ng kanyang pag-akda ng HB 3312 o "Bill Creating the Province of Bukidnon del Sur". Sa totoo lang po, ang Probinsiya ng Bukidnon kung saan ibinotong Congressman si Juan Miguel Zubiri sa pangatlong Distrito (3rd District) ay kinikilala sa kasaysayan ng Probinsiya bilang Ancestral na Teritoryo ng Pitong (7) Katutubong Tribu gaya ng Manobo, Talaandig, Higaonon, Bukidnon, Matigsalug, Umayamnon at Tigwahanon . Ito ang pinaka batayan kung bakit ang ginawang HB 3312 ni Congressman Miguel Zubiri na hatiin ang Probinsiya ng Bukidnon sa pamamagitan ng paggawa ng bagong "Bukidnon del Sur" ay kailangan ng Free, prior and Informed Consent o FPIC galing sa lahat ng mga Katutubong tribu sa Bukidnon at HINDI SA PAMAMAGITAN LANG NG ORDINARYONG MGA KONSULTASYON AT SA PAMAMAGITAN NG ISANG PLEBISITO. Pero ang probisyong ito ng Batas na IPRA o R.A. 8371 ay hindi kinikilala ni Congressman Migs Zubiri sa pamamagitan ng pagporsegi sa Senado na magkaroon na ng Plebisito sa Probinsiya ng Bukidnon na kung saan ay nasisiguro na niya at ng kanyang kampo na talagang "YES" ang mananalo sa pamamagitan "majority rule" dahil na rin sa maraming migrants o dayong naninirahan at hindi nabibilang sa mga katutubong tribu sa Bukidnon.

Ang HB na ito ni Congressman Zubiri ay pumasa na sa mababang kapulungan ng Kongreso at ngayon ay nakasalang na sa Senado. Ito rin ang isang dahilan kung bakit malaki ang pagnanais ni Congressman Zubiri na maging Senador upang sa mabilisang paraan ay maisulong na ang Plebisito sa paghahati ng Probinsiya ng Bukidnon.

Sa totoo lang, may iilang konsultasyon na ang ipinatawag tungkol dito. Una ay ang Hearing sa Senate Committee on Local Government sa pangunguna ni Senador Alfredo Lim, ang Chairman ng nasabing Komitiba. Ito ay idinaos mismo sa gusali ng Senado sa Maynila. Ang konsultasyong ito ay sinundan pa ng isang Senate Hearing Noong buwan ng Agosto 4, 2006 sa Cagayan de oro City sa pamamagitan din ni Senador Nene Pemintel. Nong panahong ito, umani ng negatibong na reaksiyon galing sa mga "Culturally at Constitutionally Aware" na mga leader ng ibat-ibang tribu mula sa ilang lungsud ng Bukidnon ang nasabing House Bill.

Pagkatapos noon, ibinalik ang naturang Bill sa Senado. Subalit dahil sa isyu ng mga katutubong karapatan, mula sa Senate Committee on Local Government ay inilipat ito sa Senate Committee on Indigenous Peoples, sa pamumuno ni Senadora Jamby Madrigal. Malaking pasalamat namin dahil ang Komitiba ni Senadora Madrigal ay malalim ang pagkakaintindi sa karapatan ng mga katutubo, partikular sa isyu ng Free, Prior and Informed Consent o FPIC. Ang ginawa ng kanyang Komitiba ay pagpapatupad lamang nga Republic Act 8371 o Batas na IPRA.

Subalit, ang ginawang ito ni Senadora Madrigal pabor sa aming mga lumalaban na Katutubo ay umani naman ng violenting reaksiyon mula kampo ni Congressman Zubiri, sa kanyang mga taga suporta at sa kanyang ama na si Bukidnon Governor Jose Ma. R. Zubiri, Jr. Dahil dito, ang kampo ni Congressman Zubiri ay gumawa pa ng isang OPEN LETTER TO ALL SENATORS sa pamamagitan ng Philippine Daily Inquirer, December 13, 2006 issue kung saan kinu-question nila ang hindi daw patas na pagtanaw ni Senadora Jamby Madrigal sa naturang Bill. Ang nasabing OPEN LETTER ay pinipirmahan mga Local Government Officials at politikong ka-alyado ng mga Zubiri, mga sector, pati na rin ang iilang leader ng tribu sa Bukidnon na kung saan ang iilan ay "SCANNED SIGNATURES" lamang at hindi genuine signatures.

Kahit pa nga ang Indigenous Peoples' Provincial Consultative Body o PCB na kumakatawan sa pitong tribu ng Bukidnon na kung saan nakasaad sa batas na IPRA ay limitado lamang ang kanyang function bilang Advisory Body ng National Commission on Indigenous Peoples (Hindi advisory Body ng LGU at mga Politiko) ay ginagamit din ng Kampo ni Congressman Zubiri upang ma-justify na suportado na "RAW" ng mga katutubo ang kanyang Bill na hatiin ang Probinsiya ng Bukidnon sa dalawa. Higit sa lahat, ginagamit din Congressman Zubiri ang Cultural Identity at sagradong tradisyon ng mga katutubo ng Bukidnon sa pamamagitan ng kanyang pagpapa-adopt at pagpakakasal ayon sa customary law ng mga katutubong Bukidnon. Sa naturang seremonya at selebrasyon, ipinatawag at ginastohan niya ng libre upang gawing batayan na PUMAYAG NA TALAGA ang mga Katutubong mamamayan ng Bukidnon sa kanyang Bill na gagawa ng bagong probinsiya ng Bukidnon del Sur.

Sa totoo lang po at ayon na rin sa mandate ng Akta Republika 8371 o batas na IPRA, ang Free Prior and Informed Consent ay hindi pweding magmumula lamang sa iilang leader ng tribu kundi ito ay galing talaga sa CONSENSUS na proseso ng lahat ng mga apektadong membro nga mga katutubo. Kaya nga ipinasa ang batas na IPRA noong Oktobre 29, 1997 upang maituwid ang maraming pagkakamali sa kasaysayan (Historical Mistakes and Injustice) na nagawa ng maraming leader ng tribu sa lumipas na mga panahon sa pamamagitan ng kanilang MISREPRESENTATION sa usaping karapatan ng mga katutubo sa loob ng kani-kanilang mga pamayanan.

Bilang mga katutubong mamamayan ng Probinsiya ng Bukidnon mula sa tribong Manobo, Talaandig, Higaonon, Bukidnon, Matigsalug, Umayamnon at Tigwahanon na may sapat na kaalaman sa aming mga karapatan sa loob ng aming mga Lupang Ninuno o ancestral territories, kami ay taos pusong nananawagan ha HUWAG IBOTO ang mga Politikong hindi marunong kumikilala at lumalabag sa karapatang pantao ng mga Katutubo.

Kaya nga nananawagan kami sa buong bansa, sa lahat ng mga katutubong mamamayan, mga sector at mga suportang grupo ng mga katutubo na HUWAG IBOTO SI MIGZ ZUBIRI. Hindi na nga niya nagawang kumilala sa karapatan ng mga katutubo sa probinsiya ng Bukidnon ngayong Congressman pa lang siya, paano na kaya pag siya'y nasa mataas na posisyon na bilang Senador ng Bansang Pilipinas? Mangangahulugan ba itong ang 110 katutubong tribu sa boong Pilipinas na kumakatawan sa kabuuang populasyong na 12.8 milyon ay maging biktima rin balang araw sa paglabag ng karapatang pantao pag nagiging Senador na si Migz Zubiri?

KAYA HUWAG KALIMUTAN, HUWAG IBOTO si MIGZ ZUBIRI!

SANA PO AY SUPORTAHAN N'YO. MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY!!!!! !!!!

Sumasainyo,

The Council of Elders of:
Bukidnon Unified Tribal Development Council of Elders (BUTRIDCE)
Tulugan, Lumalambung, Sumpong, Malaybalay City

Contact Person:
Datu Umpongan Romando Sambile
President

No comments: