Some members of ACT, a national organization of militant teachers, went to Taysan to get facts on the school burning, which was immediately blamed by the PNP chief on the NPA but which days later found policemen to be the perpetrators.
Note that the news report did not list two other injured teachers and a child of the teacher who was killed, Nelly, who they found out was an outstanding teacher awardee; and that there were 6 classrooms that were burned, 5 of which were used as precincts.
Here is their fact sheet.
MULA SA ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS (ACT)
Fact Finding Mission
Taysan, Batangas
May 17, 2007
1:15pm dumating ang grupo sa Pinagbayanan Elementary School
- Mula sa principal na si Mrs. Manuelo, napag-alamaman na bukod sa yumaong si Nely Banaag ay may dalawa pang mga guro ang nasugatan. Ang isang guro ay si Rosalie Villena na naconfined sa Mediatrix Hospital at ang isa ay Maritess Ramona na natrauma sa naganap na insidente.
- Kasama rin sa nasugatan ang anak ni Nelly Banaag na si Ritchelle Banaag.
- Anim ang nasunog na classrooms, lima rito ay presinto.
- Ibinigay ng ACT ang MOA sa principal upang ipaalam na makakatanggap ng Php200, 000 insurance ang namatayan.
1:45pm dumating sa bahay ni Nelly Banaag
- Mula sa pakikipanayam sa pamilya ni Nelly Banaag, napag-alaman ang mga sumusunod:
* 42 years old na si Nelly
* Math Teacher at naging Outstanding Teacher din siya sa pinagbayanan ES
* Ipinanganak siya noong Disyembre 6, 1964
* Namatay siya n oong May 18, 2007
* 5 ang anak
* Election Supervisor siya noong eleksyon.
* Galileo Banaag ang pangalan ng asawa ni Nelly.
- Tapos na ang bilangan; nagtathumbmark na lang sila kaya natipon sila sa sa isang kwarto kung saan nagsimula ang sunog. Mga bandang 3:00am ito naganap.
- Nang lumiliyab na ang kwarto, hinila na lang ni Galileo ang kanyang anak na si Ritchelle, isa ring pollwatcher, mula sa nasusunog na kwarto.
- Kasama ni Nelly sa CR ang isang pollwacther na namatay rin na si Letecia Ramos.
2:20 dumating sa bahay ni Maritess Rabano, isa rin sa biktima.
- traumatized si Maritess sa nangyari. Nagtamo siya ng sunog sa kanang braso.
* 27 years old na si Maritess
* 4 na taon na sa pagtuturo
* Graduat sa Batangas University sa kursong Industrial Education
* Unang beses niya magserve sa election.
* Poll clerk siya noong eleksyon; BEI chair niya si Rosalie Villena at 3 rd member ang isa ring sugatan na si Angelo Sara. Hindi guro ang 3rd member.
* Sa precinct 77A siya nadestino
* Sa Pinagbayanan HS siya nagtuturo
- Ayon sa kanya nagtathumbmark na lang sila sa tally sheets nang may nakita siyang nagbuhos ng gasolina at lumiyab ang kwarto kung saan naroon sila..
- Hindi niya napansin ang mga gasolina dahil ito'y nasa 1.5 na coke. Akala niya'y meryenda ito ng mga guro.
- Php1,500.00 pa lang ang natatanggap niya. Ang kalahati ay hindi pa nababayaran dahil wala pa siyang maisasauling ERs dahil nasunog nga ang mga ito.
- Ayon kay Maritess, 161/169 ang nakaboto. Panalo si Villena sa kanyang presinto at walong boto lang ang nakuyha ng kalaban nitong si Portugal.
- Nakalabas siya dahil may humawi ng apoy sa magy pintuan.
- Nang tanungin kung magsislbi pa siya sa eleksyon hindi ang isinagot niya.
4:30pm dumating sa Mediatrix Hospital para dalawin si Rosalie Villena
- Nagtamo siya ng sunog sa kaliwa at kanang braso, 2nd degree burn. Papauwi na si Maritess at hinihintay na lang ang kanyang mga papel ng dumating ang grupo.
- Mula sa pakikipanayam sa kanya, nakalap ang mga sumuysunod na datos:
* 36 years old na si Rosalie.
* BEI chair siya nuong eleksyon.
* Nagtuturo sa San Isidro Natl HS
* Math and Science Teacher
* Dalaga
* May malayong rerlasyon siya sa sa tumatakbong si Villena kaya hindi siya pinayagan na magserve noong 2004 election, ngunit dahil sa kakulangan ng tao ngayong eleksyon, pinayagan na siya.
- Sinagot ng Deped ang higit 14k na bill niya sa hospital ngunit hindi ang professional fee at mga niresetang gamot.
- 3 araw na siyang nakaconfined.
- Ayon sa kanya, basta na lang daw may nagliyab na apoy at may sumigaw daw na dito ang daan palabas.
- paglabas niya ay may nakita siyang apat na military na hindi naman sila tinutulungan.
No comments:
Post a Comment