Wednesday, May 04, 2011

Pambansang industriyalisasyon para sa malawakang empleyo

Papaano masisiguro ang empleyo – na may makabuluhang sahod – ng milyun-milyong manggagawang Pilipino?

Ito ang isa sa mga tanong na nasasagot ng inihahapag na programang pang-ekonimiya ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa pag-uusap hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at gobyerno ng Pilipinas (GPH).

“Ang sosyo-ekonomikong mga repormang iminumungkahi ng NDFP ay kaugnay ng pagsasakatuparan ng pambansa at demokratikong mga interes ng sambayanan,” ani Fidel Agcaoili, pangalawang tagapangulo at tagapagsalita ng NDFP Peace Panel. “(Laman nito) ang mga pangangailangan para umunlad ang lipunang Pilipino.”

Dalawa ang pangunahing laman ng inihahaing sosyo-ekonomikong mga reporma ng NDFP, ayon kay Agcaoili. Una, ang tunay na reporma sa lupa, para mapalaya ang 75% ng populasyon mula sa piyudalismo.

“Kasabay ng pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, iyung tinatawag nating pambansang industriyalisasyon. Iyun kasi ang patutunguhan ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa – ang magkaroon ng sariling industriya ang lipunang Pilipino. Kumbaga, ang dumaan sa stage ng kapitalismo, patungong sosyalismo,” paliwanag ni Agcaoili.

Basahin ang buong balita dito.

No comments: