Hindi marating ang laot: Epekto ng nagmamahal na gasolina sa maliliit na mangingisda
By Ilang-Ilang D. Quijano
May 15, 2011
Source: Pinoy Weekly
Gitagum, Misamis Oriental—Inihanda nila ang lambat at pinuno ng langis ang gasera. Sumakay sa bangka, nag-antanda, at saka nagsagwan patungo sa direksiyon ng mga bangka at umiindap-indap nang gasera ng kanilang mga kasamahan sa may hindi kalayuan. Balita ng mga mangingisda, maraming bansi (flying fish) doon ngayon.
Gusto nilang samantalahin ang pagkakataon, dahil minsan na lamang nakakahuli ng maraming isda nang hindi pumapalaot. Bihira nang lumampas sa 100 metro mula sa baybayin ang karamihan sa mga mangingisda sa Brgy. Poblacion. Karamihan, hindi na gumagamit ng motor dahil sa mataas na presyo ng gasolina. Sa probinsiyang ito, aabot ang presyo ng gasolina sa mahigit P60 kada litro.
“Para makabawi sa gastos, kailangan makahuli ka ng lima hanggang anim na kilo ng isda,” sabi ng 45-anyos na si Jimmy Buray.
Umaabot kasi sa P180 ang gastos niya para sa tatlong litro ng gasolina, at ang huling isda naman ay naibebenta ng P70 kada kilo. “Kaya kung dalawang kilo lang ang mahuli mo, lugi ka pa ng P40. May mga araw pa na walang huli.”
Basahin ang buong kuwento
No comments:
Post a Comment