Itinuturing na “pinakamahirap" naman sa mga kongresista at hindi nakasama sa tinatawag na “millionaires club" ang mga kinatawan ng party-list groups na sina:
- Anakpawis Rep. Rafael Mariano
- Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy" Casino
- Kabataan Rep. Raymond Palatino
- Alliance of Concerned Teachers Rep. Antonio Tinio
Mga artistang naging kongresista, kabilang sa mga milyunaryo sa Kamara
05/13/2011 | 05:01 PM
Source: GMA news
MANILA – Kabilang ang tatlong artista na naging kongresista sa listahan ng mga pinakamayamang miyembro ng Kamara de Representantes, batay sa isinumite nilang statement of assets and liabilities and net worth (SALN) nitong 2010.
Tulad ng inaasahan, ang Pinoy boxing icon at Sarangani congressman na si Manny Pacquiao, ang lumitaw na pinakamayamang kongresista ngayong 15th Congress.
Taglay niya ang P1.134 bilyong net worth at walang pagkakautang, batay sa listahang ipinalabas ng Records Management Service ng Kamara nitong Biyernes.
Hindi pa kasama rito ang kinita ni Pacquiao na aabot sa $30 milyon sa naging laban niya kay Sugar Shane Mosley noong nakaraang Linggo sa Las Vegas.
Samantala, nasa 15th place bilang richest lawmaker taglay ang kabuuang yaman na P167.275 milyon at P18.918 milyong liabilities si Leyte Rep. Lucy Marie Torres-Gomez, misis ng aktor na si Richard Gomez.
Ang misis naman ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, ay nasa ika-21 puwesto na may P125.753 milyong net worth.
Ang dating aktor na si Laguna Rep. Danilo “Dan" Fernandez, ay nagtala ng P42 milyong net worth (P46.5 milyong total assets minus P4.5 milyong liabilities).
Hindi naman nagpahuli ang mga Arroyo sa listahan ng mga pinakamayamang kongresista. Si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga, ay nasa ika-17 puwesto tangan ang P140.212 milyong net worth.
Sumunod naman sa kanya ang bayaw na si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, na may P137.922 milyong net worth.
Si Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel “Mikey" Macapagal-Arroyo, ay nagtala ng P95,547,024 net worth, at P87.263 milyon naman ang ari-arian ni Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato" Macapagal-Arroyo.
Pasok naman sa top 10 richest lawmakers sina:
2. Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez (P624.85M);
3. Dating first lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos (P623.6M);
4. Negros Occidental Rep. Julio Ledesma (P555.07M);
5. Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez (P475.61M);
6. Deputy Minority Leader Iloilo Rep. Augusto Syjuco (P294.6M)
7. House Speaker Feliciano Belmonte Jr., (P283.29M);
8. Tarlac Rep. Enrique Cojuangco, (P199.59 M)
9. Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas,( P195.78M);at
10. Iloilo Rep. Ferjenel Biron (P165.99M).
No comments:
Post a Comment