Grabe pala ang patayan na nangyari sa Netherlands at mga karatig na bansa noong kapanahunan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Magandang basahin itong kasaysayan ng pagkabuo ng bansang Netherlands. Itong Eighty Years War ay tinatawag din pala na Dutch War of Independence. Nagsimula ito sa taong 1568, tatlong taon matapos marating ni Miguel Lopez de Legazpi ang Cebu. Si Legazpi ang namuno sa pinakaunang matagumpay na pananakop sa arkipelago ng Pilipinas. Naunang dumating si Ferdinand Magellan noong 1521 pero napatay ito ni Lapu-lapu kaya naudlot ang tangkang pananakop ng Espanya.
Natapos ang Eighty Years' War sa taong 1648, isang taon bago sinimulan ni Sumuroy ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol sa probinsya ng Samar.