Wednesday, July 22, 2015

Sketching is not a crime!

*Mula ito sa facebook post ni Randy Valiente



SKETCHING IS NOT A CRIME!

Kung mapapansin ninyo ay blangko ang mga sketchbooks na hawak namin. Ginanap ang USk sketchwalk sa Farmers Cubao noong sabado, napagkasunduang i-capture namin sa pamamagitan ng drawing ang usual market scenes. Karamihan ay nakaupo sa Dampa (para itong foodcourt ng lugar) at doon mag-sketch para mas komportable. Maya-maya ay pinahinto kami ng guard at ng admin ng Farmers, bawal daw mag-sketch. Kaya nagpunta ang coordinator namin sa opisina nila upang ipakilala ang grupo. Pero para hindi na humaba ay lumipat kami sa Cubao Expo sa pag-aakalang mas okay dun dahil artist hub naman 'yun, pero sa kamalasan ay pinatigil din kami ng guard at hinihingian pa kami ng permit ng admin.

Cubao is not a sketching-friendly place! Am I wrong?

Naging hot topic ito sa fb group ng USk at nalaman ko na hindi lang pala ang USk-Ph ang nakaranas nito kundi ibang sketchers group at plein air painters din. Hindi lang sa Cubao kundi sa ibang lugar na rin sa Kamaynilaan. Kailan pa naging krimen ang pagbitbit ng sketchpad at paggawa ng sining sa public place?

Napaparanoid ang karamihan at baka front lang ng mga terorista at masasamang loob ang sketching? Kailangan ng tamang edukasyon ang mga kinauukulan sa ganitong activities. We are so IGNORANT with this kind of event at yung hindi pamilyar sa ating paningin ay nagmimistulang threat sa security. There is a big problem of what's this and what's that with this society, matagal na. Abala kasi tayo sa mga nonsensical activities at entertainments kaya hindi na natin ma-distinguish kung ano ang may value at wala.

Since time immemorial ay ginagawa na ito ng mga artists para ma-capture ang ganda ng paligid at para maging reference na rin.

Magbi-benefit dito ang lugar para ma-promote ang kanilang area, lalo pa't commercial establishments, at ang Urban Sketchers ay isang worldwide artist organization at ang gawa namin ay idini-displey sa USk international website kaya nakikita ng buong mundo at nagiging bahagi ng turismo (at hindi kami binabayaran ng gobyerno sa promotion na ito).

(photo by Ige Ochoa Trinidad)

No comments: