Sunday, June 11, 2006

Ang Taktika ng Pagpatay

TULA (POETRY)

Ang Taktika ng Pagpatay
NI GELACIO GUILLERMO
Inilathala ng Bulatlat (www.bulatlat.com)

Ang taktika ng pagpatay
Ay pagpapasulong sa istratehiya
Ng pagkubkob at paglipol
Ng rehimeng hindi na makapaghari
Sa dating paraan

Sampung taon, anila, ang kailangan
Para sugpuin ang subersyon
Mananahimik na ang bansa�t
Patuloy na nakaluklok
Ang reyna sa kapangyarihan

Sa bukid at bundok
Ang pingkian ng armas at armas
Ngayon, maging sa lunsod at bayan
Pinupuntirya ang mamamayang
Tanging mga karapatan ang pananggalang

Ilang daan, ilang libo
Ang dapat patayin
Busalan, ikulong, bugbugin
Para tiyaking tagumpay
Ang kanilang istratehiya�t taktika

Bawat araw ay may dagdag
Sa bilang ng pinapaslang
Tayo�y nagdadalamhati pagkat sila
Ang tagabandila ng paninindigan
Ng mamamayan

May mga bagay
Na kailanma�y hindi kayang unawain
Nilang naghahari
Kung bakit ang bawat paglilibing
Ay martsa ng diwang hindi mapapaslang

Kung bakit, sa harap ng panggigipit
Patuloy ang mamamayan
Sa paggigiit ng kanilang lunggati
Walang makapipigil sa daluyong
Ng lakas nila�t pagkakaisa

Kung bakit hindi panukat ng lakas
Ang bunton ng kanilang pinapatay
O binabawian ng karapatan
Walang lakas ang rehimeng
Ang kaaway ay ang mamamayan

Binibilang natin ang bilang
Ng pinaslang ng rehimen
Sapagkat may dapat singilin
Walang patawad ang kasaysayan
Sa mga salarin

Binibilang din natin
Ang mga araw na itatagal pa ng rehimen
Pagkat ang taktika ng pagpatay
Na akala�y pansagip sa kanilang buhay
Ay kahinaang panghukay ng sariling libingan

Ang pagbuwag sa rehimeng bulok
Ay hindi na bago sa mamamayan
Binibigo nila ang istratehia�t
Taktika ng kaaway
Ng istratehiya�t taktika ng kanilang matwid

At tayo�y pinasisigla ng kasaysayan
Sapagkat ating alam
Sa hinaba-haba ng pakikibaka
Kung sino�ng susuko, sino�ng magwawagi
Sa malao�t madali


Binigkas ng makata nitong 8 Hunyo sa Bahandi, sa Tugma sa Laya II, ang ikalawang bahagi ng isang serye ng mga aktibidad ng Kilometer 64 sa pakikipagtulungan sa Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria) bilang ambag sa kampanya upang palayain ang tinaguriang �Tagaytay 5� na sina Axel Pinpin, Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybanez at Michael Masayes

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.